Anonymous
asked:
Actually may pagkanarcissist nga sya ng kaunti. May mga bagay kasi na hindi na dpat masyado sineshare p sa iba. You just keep it to yourself. Ang dating kasi parang gusto mo maging updated sila s araw araw n activities mo. Mejo naconfuse tuloy ako kung introvert ka nga kasi ang alam ko sa introverts may pgkaaloof at reserved. But dun kasi s gngwa mo para k celebrity n inaupdate cla. Just my opinion lang

Hi anon! May point ka at na realize ko din yan. Pero kasi ang nakasanayan kong gawin na pag gGM  ay itinuturing ko na coping mechanism ng pagiging introvert ko. Kasi po sa totoo lang hindi ako mahilig mkihalubilo sa maraming tao. Mas pinipili kong mag-isa. Hindi ako magsasalita kapag hindi ako tinatanong. Natatakot ako na baka kasi hindi ako maging “in” sa kanila. Lahat ng mga kaibigan ko o mga taong nakakakilala sa akin sinasabing masyado akong mahiyain at tahimik. Kaya kgaya nlg ng pagbablog ko sa pag gGM ko dinadaan lahat ng gusto kong sabihin, na gusto kong malaman ng mga tao tungkol sa akin na hindi ko masasabi o maipapakita ng personal sa kanila dahil nahihirapan ako. Minsan naisip ko din na dapat ko ng itigil ang ganitong gawain dahil alam ko na may mga tao na rin na naiinis sa akin kaya lang nahihirapan akong pigilin ang sarili ko. Sa ngayon I’m trying to come up pa sa mga paraan na makakatulong na ma lessen ang impulsive behavior ko na ito. Salamat Anon.